Home > Work > 56
1 " Turuan mo ang mga taong mag-isip. Tulungan mo ang kapwa mong maging maalam. Dahil ang matalino, kung hindi magbabahagi ng kaalaman, ay wala ring pinagkaiba sa bobo. "
― Bob Ong , 56
2 " Bilang guro, hindi ka dapat manguna sa mga naniniwalang hindi lahat ng tao ay may kapasidad matuto. Sumasalamin lang ito sa kapasidad mong magturo. "
3 " Akala ko noon pinakamalaking problema ko na ang naging problema ko sa eskuwela. Malayo pala sa katotohanan. Pero maaga akong tinuruan nito na maging matibay, at natuto agad akong pumili ng kakapitan. Napakahalaga noon dahil doon nakasalalay kung magpapadurog ka sa tadhana o magpapahulma nang matibay. "
4 " Kabilang tayo LAGI sa "iba" na hinahanapan natin ng disiplina. "
5 " Sa libro lang maganda ang hardbound, hindi sa mukha. "