Home > Work > Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
1 " Sabi ng nanay ko, 'yan daw totoo... di raw dapat ikahiya!""E kung magnanakaw ka, di mo ikakahiya?""Sabi ng nanay ko, kung ikakahiya mo... h'wag mong gagawin! "
― Lualhati Bautista , Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
2 " Hindi achievement ang tawag ko sa gano'n. Suwertihan lang 'yong ipinanganak ka nang maganda. Ang achievement e something you work hard to attain. "
3 " Look what's happening around us: war, hunger, poverty, epidemics... tapos, ang iniisip natin, pagandahan? My God, Pilar; ang importante sa tao'y ang kabuuan niya bilang tao... hindi kung maganda ba ang mukha niya o makinis ba ang kanyang binti! "
4 " Para kay Lea, maruming tingnan ang isang batang naka-make up at lipstick. Imbis na makaganda'y sinisira nito ang kalinisan ng isang batang mukha. Nilalagyan ng anyo ng kamunduhan at karanasan. "
5 " Iyan ang hirap sa usapang ito. Ano ba naman ang kamuwangan ng mga pipituhing taon sa mga beauty contests? Laro lang ang tingin nila sa lahat ng bagay at komo laro, gagawin lang nila pag gusto nila. Pag nasa mood sila.Karaniwan na ina lan ang may gustong mapalaban ang anak nila, masabing kabilang ito sa magaganda maging ang pinakamaganda kung maaari. Baya'n mo Baya'n mong mabilad siya sa init, mapagod siya, lagnatin siya, sipunin siya. Gusto ng nanay ang tropeo, gusto ng nanay ang karangalan. "
6 " Klik! Anak ko 'yon! Hahahaha! Mga kaibigan, si Maya ko 'yon! Klik! Narinig n'yo ba? Anak ko 'yon!Klik! Klik!Anak ko sa labas. 'Yong batang konti ko nang tinunaw no'ng araw. Kundi ko lang naisip na lahat ng bata'y kailangang bigyan ng pagkakataong maging tao. "
7 " Tama na sa akin 'yung maligaya ako paminsan-minsan. Para kapag malungkot ako, masasabi ko sa sarili ko: Minsan naman, maligaya rin ako. "
8 " sanay na siya sa mga damdamin nya, matagal na niya 'yong tinanggap. Na siya'y isang babae: hindi itim hindi puti, hindi masama't hindi mabuti. . basta isang babaing malaya sa kadena ng mga inhibition at pagkukunwari. "
9 " Hindi naagaw ng iba ang tao dahil ang tao'y hindi pag-aari ng iba. Kaya binigyan ang bawa't tao ng sariling isip ay para magkaro'n siya ng sarili niyang pagpapasiya. "
10 " Hindi naagaw ng iba ang tao dahil ang tao'y hindi paari ng iba. Kaya binigyan ang bawa't tao ng sariling isip ay para magkaro'n siya ng sarili niyang pagpapasiya. "
11 " Alam mo, maski mahal ng isang babae ang isang lalaki, hindi nya pinapatay ang mga kaangkinan niya. - Lea, Bata, Bata... Pa'no ka ginawa? "
12 " Oo nga naman, mahirap nga namang maging malaki. Dahil pag malaki ka na,magpasiya ka na. At merong mga bagay na totoong mahirap pagpasiyahan. - Lea "