Home > Work > Si
1 " Kung ibibigay mo sa akin ang puso mo, paano ka?""Hahatiin ko ito para sa ating dalawa. Ang kalahati ay para magmahal ka. Ang matitira ay para mahalin kita. "
― Bob Ong , Si
2 " Kung hindi malaya ang bagay na may buhay, dapat man lang sana ay malawak ang kinalalagyan nito," sabi ko."Pero kulungan parin ang kulungan, gaano man ito kalaki," sagot n'ya. "
3 " Nakayanan n'yang bumangon, hindi ko pagdududahan ang kakayahan n'yang lumipad. "
4 " Wala akong isinisisi sa magulang ko. Naging ako ako dahil sa mga desisyon ko sa buhay. "
5 " Kawalan lang ito sa mga naghahanap ng makikita at mahahawakan. Ngunit para sa mga pamilyang nasa puso ang pagdiriwang---katulad ng pamilya ng Batang dahilan ng pagdiriwang---sapat nang kasiyahan ang pasasalamat at dasal. "
6 " Nais kong magtaguyod ng pamilyang alam ang pagkakaiba ng sapat at sobra, at kung alin ang para sa amin at alin ang nararapat nang ibahagi sa iba. "
7 " Matagal nang sinabi sa akin ni Lola na ang kagandahan ay sumpa, dahil tulad ng isang bulaklak ay nanaisin kang pitasin ng mga tao. gugustuhin ka nila at aariin, nang walang kasiguruhan kung tunay ka nilang iibigin. Aalagaan ka at pagsisilbihan, ngunit para lamang sa sarili nilang kaligayahan. Mahihirapan kang hanapin ang totoong nagmamahal sa 'yo sapagkat lagi silang matatakpan ng mga taong nag-aagawan para sa iyong puso. Ibibigay nila ang lahat ng hilingin mo at ipagkakaloob nila anuman ang iyong gusto. Dahil alam nilang sa ganitong paraan nila maipapalimot ang totoong kailangan mo. Ipakikita nila ang hindi nila maipadarama. Ipagmamalaki nila ang hindi naman nasusukat. Ipapangako nila sa'yo ang wala sa kanila. "
8 " Hindi ka maaaring hindi magmahal kahit pa mapasa iyo lahat. Maaari kang maging pinakamayamang tao sa mundo, pinakamatalino, pinakamakapangyarihan, at walang pangarap na hindi kayang kunin o abutin pero kung hindi ka marunong magmahal, sino ka? "
9 " Kaunti na lang. Malapit na akong isilang sa mundo kung saan mararanasan ang buhay. Kung saan ako magmamahal. At masasaktan. At muling magmamahal nang walang hangganan. Sapagkat ang tanging kaluwalhatian ng buhay ay nasa pag-ibig, at ang sagradong tungkulin ng puso ay ang magmahal, nang walang pangamba sa lahat ng kabutihang maaaring ipadama sa ba sa kabila ng mga pasakit at pagkakamali. Nais kong magmahal. At nais kong magmahal, mahalin, at maranasan ang lahat ng napakagandang hiwaga sa pagitan ng dalawa. "
10 " Maari bang malaman ang iyong pangalan?""Victoria""Kailan kita masisilayan, Victoria?""Sa iyong pagsilang "