Home > Work > Colon
1 " Kung ikaw, Blesilda, ano ang pipiliin mo: ang bagsakan ka ng bomba sa loob ng masjid sa Buliok o bigyan ka ng masigabong palakpakan ng mga Filipino? "
― Rogelio Braga , Colon
2 " Kung kay Ingrid naging isyu sa amin na magkaiba pala ang ‘bayan’ na pinagsisilbihan namin, sa mga kapatid kong Moro, iyong mga ‘modernong’ Moro ng ‘peace and order’ – hindiko alam kung iisa nga ba ang ‘bayan’ na tinutukoy namin. "
3 " Ang pag-ibig ay tila isa ring pananakop at ang mangingibig, isang dakilang mananakop; nais mo ng kasagutan at katubusan sa sarili mong pag-iisa, sa sarili mong kahinaan, sa mga katanungang hindi matapus-tapos ni matukoy sa simula. Ang trahedya ng pag-ibig ay kung sakaling makamtan mo na ang iniibig, hindi mo na alam kung ano ang gagawin mo sa kanya na nasa iyong mga kamay, at ayaw mo naman siyang pakawalan dahil hindi mo na makita ang pagkakaiba ng lumaya at umibig. Inaakala mo na kasi na ikaw at siya ay iisa, tinanggap mo na nang walang pagdududa na siya na ang iyong kahinaan o pinagmumulan ng lakas at ikaw ang kanyang kahinaan at pinagmumulan din ng lakas. At inaakala mo na ang nakaraan at bukas niya ay hawak mo sa iyong mga palad—at ganoon din siya sa iyo. Na ikaw, ikaw palagi ang nasa kanyang nakaraan. Na ang umibig ay ang tanging dakila at banal sa buhay. Malupitna pananakop ang umibig kaya ko ito kinatatakutan. "
4 " At inaakala mo na ang nakaraan at bukas niya ay hawak mo sa iyong mga palad—at ganoon din siya sa iyo. Na ikaw, ikaw palagi ang nasakanyang nakaraan. Na ang umibig ay ang tanging dakila at banal sa buhay. Malupitna pananakop ang umibig kaya ko ito kinatatakutan. "
5 " At inaakala mo na ang nakaraan at bukas niya ay hawak mo sa iyong mga palad—at ganoon din siya sa iyo. Na ikaw, ikaw palagi ang nasa kanyang nakaraan. Na ang umibig ay ang tanging dakila at banal sa buhay. Malupit na pananakop ang umibig kaya ko ito kinatatakutan. "
6 " Ganito pala ang ibig nilang sabihin ng bigat ng pagkawalay kumpara sa paghihiwalay. Sa paghihiwalay, wala ka nang inaasahan pang babalik o babalikan kaya madaling magpatuloy; sa pagkawalay, sinusukat mo pa ang mga paglalakbay ninyo ikaw, kung gaano ka na kalayo sa pinaggalingan mo, at siya kung gaano na siya kalapit sa patutunguhan niya. Ang tagpuan ninyong dalawa sa paglalakbay na ito ay ang walang katapusan at nakakaiinip na paghihintay. Marami raw namamaty sa bagot ng paghihintay. Natawa ako sa aking sarili. "