Home > Topic > lahat
1 " Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang paniniwala. Kapag nagmahal ka’y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na. Pero, the memory of that one great but broken love will still sustain you, tama nga na mas matindi ang mga alaala. "
― Ricky Lee , Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin)
2 " Totoo pala na kulang ang salita para sa lahat ng nararamdaman. "
― Eros S. Atalia , Ligo Na U, Lapit Na Me
3 " hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "
4 " Naisip kong hindi maaaring magkaroon ng perpektong buhay ang isang tao. Hindi natin makukuha ang lahat ng gusto natin. Hindi umaayon ang lahat sa kagustuhan natin. Walang exception doon. "
― Belle Feliz
5 " Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa. "
― Bob Ong